Sa isang panayam kay Guardians Master Founder Major Liborio Jangao na ang kanilang itinataguyod ay ang kasagraduhan ng konstitusyon at ng malayang karapatan ng napakaraming Pilipino na nagdesisyon noong nakalipas na eleksiyon.
Mananatili umano ang pananaw nila at hindi magpapadala sa sulsol kahit na ito ay mismong kaalyado pa nila ang maglunsad ng rebolusyon.
Kinumpirma ni Jangao ang naging pahayag umano sa kanya ni Puwersa ng Masa re-electionist Senador Gregorio "Gringo" Honasan, pinuno ng isa sa paksiyon ng Guardians na muli silang babalik sa underground kung sakaling mapatunayan na may naganap na malawakang dayaan nitong nakalipas na eleksiyon.
"Kaibigan natin siya pero we cannot support him, what we can do is mediate and be in between. But in fairness to him, he did not sway us to support him in that manner and not even the so called Edsa 3" sambit ni Jangao.
Binigyan diin pa ni Jangao na hindi maaaring talikuran ng napakaraming miyembro ng kanilang grupo ang matapat na paglilingkod sa militar at pulisya. (Ulat ni Joy Cantos)