^

Bansa

Guardians di susuportahan ang balaking rebolusyon ni Honasan

-
Hindi kailanman susuportahan ng may 700,000 puwersa ng Guardians Brotherhood ang umanoy planong rebolusyon na balak ilunsad ng isang malakas na puwersa na gustong umalsa dahil sa naganap na malawakang dayaan nitong nakalipas na halalan.

Sa isang panayam kay Guardians Master Founder Major Liborio Jangao na ang kanilang itinataguyod ay ang kasagraduhan ng konstitusyon at ng malayang karapatan ng napakaraming Pilipino na nagdesisyon noong nakalipas na eleksiyon.

Mananatili umano ang pananaw nila at hindi magpapadala sa sulsol kahit na ito ay mismong kaalyado pa nila ang maglunsad ng rebolusyon.

Kinumpirma ni Jangao ang naging pahayag umano sa kanya ni Puwersa ng Masa re-electionist Senador Gregorio "Gringo" Honasan, pinuno ng isa sa paksiyon ng Guardians na muli silang babalik sa underground kung sakaling mapatunayan na may naganap na malawakang dayaan nitong nakalipas na eleksiyon.

"Kaibigan natin siya pero we cannot support him, what we can do is mediate and be in between. But in fairness to him, he did not sway us to support him in that manner and not even the so called Edsa 3" sambit ni Jangao.

Binigyan diin pa ni Jangao na hindi maaaring talikuran ng napakaraming miyembro ng kanilang grupo ang matapat na paglilingkod sa militar at pulisya. (Ulat ni Joy Cantos)

BINIGYAN

EDSA

GUARDIANS BROTHERHOOD

GUARDIANS MASTER FOUNDER MAJOR LIBORIO JANGAO

HONASAN

JANGAO

JOY CANTOS

KAIBIGAN

KINUMPIRMA

SENADOR GREGORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with