Arroyo, bibisita ng United Kingdom
May 20, 2001 | 12:00am
Binabalak ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na bumisita sa ibang bansa upang mapagtibay ang relasyon ng Pilipinas sa dayuhan.
Posibleng sa buwan ng Oktubre balak magtungo ni Arroyo sa United Kingdom para mapalakas ang relasyon ng dalawang bansa batay na rin sa imbitasyon ni Prince Andrew, ang Duke of York na kasalukuyang bumibisita sa bansa.
Ikinonsidera ng Pangulong Arroyo ang nasabing imbitasyon ng pagbisita sa UK dahil ito umano ay nangungunang foreign investor sa bansa.
Itinuturing din ni Pangulong Arroyo na isang magandang pagkakataon ang pagbisita sa bansa ni Prince Andrew dahil maipapakita nito sa buong mundo na matatag na ang Pilipinas. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended