Benipayo at iba pa dadaan sa butas ng karayom

Tiniyak ni Senador Rodolfo Biazon na dadaan sa butas ng karayom ang kumpirmasyon nina Commission on Election (Comelec) Chairman Alfredo Benipayo, Commissioner Resureccion Borra at Florentino Tuazon.

Ayon kay Biazon hindi basta na lamang makakalusot ang mga nasabing opisyal ng Comelec na iniluklok ni Pangulong Arroyo kung hindi nito maipaliliwanag ang gulo na kinasasangkutan ng kanilang tanggapan. Sa pagmamasid ni Biazon na maraming botante ang hindi nakaboto bunga na rin ng kawalan ng sapat na preparasyon at ang kawalang koordinasyon sa mga guro sa bawat presinto. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments