Ayon kay Quezon Rep. Marcial Punzalan Jr., hanggat wala pang conviction, hindi nawawala ang constitutional right ng mga ordinaryong bilanggo para makaboto.
Inihalimbawa nito ang Quezon Provincial Jail na kanyang nasasakupan kung saan pinapayagan umanong makaboto ang mga rehistradong bilanggo na wala pang hatol ng korte.
Kung hindi umano sisiguraduhin ng pamahalaan na makakaboto ang mga bilanggo, maaaring isipin ng mga ito na may kinikilingan sila sa maimpluwensiyang tao tulad ng mag-amang Estrada.
Pero dapat din umanong tiyakin ng Comelec na walang magaganap na pamimilit sa mga presong maaaring makaboto kung sino ang dapat nilang isulat sa balota.
May posibilidad umano na gamitin sila ng gobernador ng isang lugar o ng isang maimpluwensiyang pulitiko para madagdagan ang kanilang boto, wika pa ni Punzalan. (Ulat ni Malou Rongalerios)