^

Bansa

Mga bilanggong wala pang hatol sigaraduhing makakaboto bukas

-
Dapat na siguraduhin ng pamahalaan na makakaboto bukas ang mga bilanggong hindi pa hinahatulan sa kanilang mga kaso, dahil tulad nina dating pangulong Estrada at anak na si Jinggoy, sila rin ay may karapatang bumoto.

Ayon kay Quezon Rep. Marcial Punzalan Jr., hangga’t wala pang conviction, hindi nawawala ang constitutional right ng mga ordinaryong bilanggo para makaboto.

Inihalimbawa nito ang Quezon Provincial Jail na kanyang nasasakupan kung saan pinapayagan umanong makaboto ang mga rehistradong bilanggo na wala pang hatol ng korte.

Kung hindi umano sisiguraduhin ng pamahalaan na makakaboto ang mga bilanggo, maaaring isipin ng mga ito na may kinikilingan sila sa maimpluwensiyang tao tulad ng mag-amang Estrada.

Pero dapat din umanong tiyakin ng Comelec na walang magaganap na pamimilit sa mga presong maaaring makaboto kung sino ang dapat nilang isulat sa balota.

May posibilidad umano na gamitin sila ng gobernador ng isang lugar o ng isang maimpluwensiyang pulitiko para madagdagan ang kanilang boto, wika pa ni Punzalan. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

COMELEC

DAPAT

INIHALIMBAWA

JINGGOY

MALOU RONGALERIOS

MARCIAL PUNZALAN JR.

QUEZON PROVINCIAL JAIL

QUEZON REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with