^

Bansa

8 PPC senatoriables inendorso ng Iglesia; 8 Puwersa bets ang sa El Shaddai

-
Binago ng maimpluwensiyang Iglesia Ni Cristo (INC) ang listahan ng senatorial candidates na sinusuportahan nito kung saan walo mula sa People Power Coalition (PPC) senatorial ticket ang kanilang inendorso.

Ang lima sa walo ay kinabibilangan nina Senators Franklin Drilon at Ramon Magsaysay Jr., dating Speaker Manny Villar at Reps. Joker Arroyo at Ralph Recto.

Mula naman sa opposition senatorial slate, pumili ang Iglesia ng apat na kandidato, kabilang sina dating Executive Secretary Edgardo Angara at broadcast journalist Noli de Castro na tumatakbong independent.

Pinasalamatan ni Pangulong Arroyo ang nasabing sekta sa ipinakita nitong suporta ng makipagkita ang una kay INC Executive Minister Erano Manalo kamakailan. Samantala, kung walong kandidato mula sa PPC ang inendorso ng INC, kabaligtaran naman ito ng sinusuportahan ng charismatic group na El Shaddai.

Sa isang sample ballot na ipinakalat ng El Shaddai, inendorso nito ang mga sumusunod na senatorial opposition candidates: Dr. Loi Estrada, Ping Lacson, Dong Puno, Gringo Honasan, Juan Ponce Enrile, Edgardo Angara, Orlando Mercado at Miriam Defensor Santiago.

Ang administration candidates na sinusuportahan ng El Shaddai ay sina Drilon, Bobby Tañada, Obet Pagdanganan at Villar, habang ang 13th candidate ay bakante.

Ang INC ay may tinatayang 3 milyong miyembro habang ang El Shaddai ay may isang milyon. (Mga ulat nina Jess Diaz at Efren Danao)

BOBBY TA

DONG PUNO

DR. LOI ESTRADA

DRILON

EDGARDO ANGARA

EFREN DANAO

EL SHADDAI

EXECUTIVE MINISTER ERANO MANALO

EXECUTIVE SECRETARY EDGARDO ANGARA

GRINGO HONASAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with