Paggalang sa dumadalaw na pamilya Estrada siniguro ng DILG
May 10, 2001 | 12:00am
Siniguro kahapon ni Interior and Local Government Secretary Joey Lina na pagkakalooban ng nararapat na paggalang si dating Unang Ginang Loi Estrada at pamilya nito sa pagdalaw ng mga ito kay dating pangulong Estrada sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.
Ito ay matapos batikusin ni Loi ang ginawa umanong pagyurak sa kanila ng kanyang anak na si Jackie ng dumalaw ang mga ito kay Estrada sa selda kung saan kinapkapan sila hanggang sa dibdib ng mga babaing SAF members bago tuluyang pinapasok.
Ayon kay Lina, inatasan niya sina PNP chief Leandro Mendoza at Special Action Force head Supt. Rogelio Bathan na bigyan ng kaukulang paggalang ang dating First Family, sa kabila na sasailalim pa rin sila sa ipinatutupad na body search sa pagbisita. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended