^

Bansa

Pasaporte kailangan para makapasok sa Mindanao Bangsamoro Republic

-
Isinasaayos na umano ang mga patakaran sa proseso ng pagkuha ng pasaporte para makapasok sa Mindanao Bangsamoro Republic.

Nabatid sa information committee ng Moro National Liberation Front (MNLF), hindi na umano basta-basta makakapasok ang sinuman sa Mindanao ng walang kaukulang pasaporte matapos na isailalim na sa republika ang buong Mindanao sa bisa ng nilagdaang resolution ng Fourth Bangsamoro National Congress na ipinatawag ng MNLF noong Abril 29 sa pamumuno ni MNLF chairman Nur Misuari sa Zamboanga City.

Sa ilalim ng nasabing republika, si Misuari ang inilalagay na presidente.

Nakapaloob sa nabuong resolusyon ang deklarasyon para sa pagtatag ng provisional government sa Bangsamoro Homeland; pagpapasa sa State Congress resolution at resolusyon para sa professional, youth, women at religious sectors.

Sa mga resolusyong ito, lumilitaw na walang katotohanan ang sinasabing pagtiwalag ng ilang mga dating opisyal ng MNLF na nakabase sa Metro Manila.

Nakatakda namang ipasa ang nilagdaang resolusyon sa United Nations at Organization of Islamic Committee ng MNLF. (Ulat nina Rose Tamayo at Joy Cantos)

BANGSAMORO HOMELAND

FOURTH BANGSAMORO NATIONAL CONGRESS

JOY CANTOS

METRO MANILA

MINDANAO

MINDANAO BANGSAMORO REPUBLIC

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NUR MISUARI

ORGANIZATION OF ISLAMIC COMMITTEE

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with