Ang pagtaas ng bilang ng senior citizens, ay dahil na rin sa tumataas sa tinatawag na average life expectancy ng Pilipino na ngayon ay nasa 67.73 taon para sa lalaki at 70.38 taon para sa babae kumpara sa 61 hanggang 63 taon dalawang dekada ang nakaraan.
Dahil dito, ani Villar, dahan-dahang tumataas ang dami ng porsiyento ng nakatatanda kung ihahambing sa buong populasyon. "Nangangahulugan lamang ito na dapat nating dagdagan ang atensyon sa pagkalinga sa mga nakatatanda," pagdidiin ni Villar. Ibinunyag din ni Villar na habang may 4 na milyong senior citizens sa bansa ay 20 lamang ang geriatricians sa bansa o iyong mga doktor na nag-specialize sa pangangalaga sa nakatatanda.
"Ibig nitong sabihin, para sa 200,000 pasyente ay may iisa lamang doktor," pagdidiin ni Villar. (Ulat ni Malou Rongalerios)