^

Bansa

Senior Citizens dumarami

-
Dumarami taun-taon ang bilang ng senior citizens sa bansa o iyong may edad na 65 taon pataas, ayon kay dating Speaker Manny Villar.

Ang pagtaas ng bilang ng senior citizens, ay dahil na rin sa tumataas sa tinatawag na average life expectancy ng Pilipino na ngayon ay nasa 67.73 taon para sa lalaki at 70.38 taon para sa babae kumpara sa 61 hanggang 63 taon dalawang dekada ang nakaraan.

Dahil dito, ani Villar, dahan-dahang tumataas ang dami ng porsiyento ng nakatatanda kung ihahambing sa buong populasyon. "Nangangahulugan lamang ito na dapat nating dagdagan ang atensyon sa pagkalinga sa mga nakatatanda," pagdidiin ni Villar. Ibinunyag din ni Villar na habang may 4 na milyong senior citizens sa bansa ay 20 lamang ang geriatricians sa bansa o iyong mga doktor na nag-specialize sa pangangalaga sa nakatatanda.

"Ibig nitong sabihin, para sa 200,000 pasyente ay may iisa lamang doktor," pagdidiin ni Villar. (Ulat ni Malou Rongalerios)

DAHIL

DUMARAMI

IBIG

IBINUNYAG

MALOU RONGALERIOS

NANGANGAHULUGAN

PILIPINO

SPEAKER MANNY VILLAR

TAON

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with