Ayon kay Dr. Louie Bautista ng PNP, inirekomenda niyang dalhin sa St. Lukes hospital si Maceda dahil sa pagtaas ng presyon ng dugo nito na 170 over 100.
Ani Bautista, kulang sa mga kagamitan ang PNP hospital kaya minabuti niyang ipadala sa nasabing pagamutan ang dating senador na kabilang sa kinasuhan ng PNP ng sedition.
Kasalukuyang naka-confine si Maceda sa room 4020 at bagamat normal na ang dugo nito ay patuloy pa rin siyang inoobserbahan ng mga doktor.
Sa sandaling bumuti na ang kalagayan nito ay ibabalik din ito sa kanyang selda sa PNP-Intelligence Group.
Pinaniniwalaan namang masyadong dinamdam ni Maceda ang pagkakaaresto sa kanya kaya nagsikip ang dibdib nito. (Ulat nina Rudy Andal/Joy Cantos)