^

Bansa

Maceda isinugod sa St. Luke's

-
Namuo ang tensiyon sa St. Lukes’ Medical Center makaraang dumagsa ang armadong mga militar at pulis nang isugod dito si dating ambassador Ernesto Maceda, kamakalawa ng gabi mula sa Camp Crame, Quezon City.

Ayon kay Dr. Louie Bautista ng PNP, inirekomenda niyang dalhin sa St. Luke’s hospital si Maceda dahil sa pagtaas ng presyon ng dugo nito na 170 over 100.

Ani Bautista, kulang sa mga kagamitan ang PNP hospital kaya minabuti niyang ipadala sa nasabing pagamutan ang dating senador na kabilang sa kinasuhan ng PNP ng sedition.

Kasalukuyang naka-confine si Maceda sa room 4020 at bagamat normal na ang dugo nito ay patuloy pa rin siyang inoobserbahan ng mga doktor.

Sa sandaling bumuti na ang kalagayan nito ay ibabalik din ito sa kanyang selda sa PNP-Intelligence Group.

Pinaniniwalaan namang masyadong dinamdam ni Maceda ang pagkakaaresto sa kanya kaya nagsikip ang dibdib nito. (Ulat nina Rudy Andal/Joy Cantos)

ANI BAUTISTA

CAMP CRAME

DR. LOUIE BAUTISTA

ERNESTO MACEDA

INTELLIGENCE GROUP

JOY CANTOS

MACEDA

MEDICAL CENTER

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with