Senado pasok sa Mendiola riot

Bunga na rin ng iba’t ibang pananaw sa naganap na kaguluhan sa Mendiola noong nakaraang Martes, pinaiimbestigahan ni Senate President Pro Tempore Blas Ople sa Senado ang insidente para malaman kung sino ang nasa likod ng naturang riot.

Ayon kay Ople, dapat lamang na matukoy ang mga responsable para masampahan ng kaukulang kaso ang mga may kagagawan bukod pa sa sinasabing nasa impluwensiya ng droga ang mga Erap protester ng sumugod sa Malakanyang. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments