Speaker Belmonte suportado ng 28 TODA
May 1, 2001 | 12:00am
Sinuportahan si Speaker Sonny "SB" Belmonte at ang kanyang "Serbisyong Bayan (SB)" team ng 28 pangulo ng ibat ibang organisasyon ng mga Tricycle Operators and Drivers Association (TODA).
Ayon sa lahat ng political surveys ng mga independyenteng grupo, lalaki pa ang lead ni Belmonte, ang paboritong kandidato ng People Power Coalition-Lakas para alkalde ng Quezon City at Quezon City Vice Mayor Connie Angeles naman para sa dating posisyon.
Sama-samang nagmaneho ang mga tricycle drivers at operators papunta sa headquarters ni Belmonte sa E. Rodriguez Avenue sa Quezon City upang hayagang ideklara ang kanilang suporta kay SB bilang susunod na alkalde ng nasabing lungsod.
"Hindi na kami magbabaka-sakali pa. Kailangan ng lungsod ang siguradong may kakayahan at sinseridad. Si Belmonte ang magaling at mabuting tao... maaasahan talaga," ani Ricardo Dadea, TODA District 4 president.
Pinangunahan ni Dadea ang mga pangulo ng TODA kasama si Freddie Manuel (Unang Hakbang), Josephine Gerones (Villa Espana), Jose Sison (UPTV), H. Panti (Philcoa), Frank Munoz (Visayan), Edmund Coronel (New Manila), Rod Docoron (Agham), Juantio Carpio (Biak-na-Bato), Armando Garcia (Kamuning), George Ballao (Pinyahan) at Honorio Pazcoguin (Pinagkaisahan), ilan dito.
Idineklara ng mga tricycle organizations ang kanilang tiwala na makapagtatatag si Belmonte ng isang epektibo at hayag na administrasyon upang linisin ang katiwalian at red tape sa paghahatid ng serbisyo sa tao.
Mga 253 grupo ng mga mahihirap ang nagkaisa kamakailan upang dalhin ang "good government" campaign ni Belmonte sa kanilang komunidad sa ilalim ng Coalition of Volunteers of Urban Poor Supporting SB.
Ayon kay Alex Santos ng Social Housing Movement (SHM), isang NGO, subok na ang liderato ni Belmonte at ang kanyang kaalaman upang tugunan ang pangangailangan ng mahihirap na sektor, kasama ang pabahay, kalusugan at sanitasyon (basura), edukasyon, computer skills at pangkabuhayan.
Gayon din ang sinabi ni Romeo Magramo ng Koalisyon ng Maralita-Lungsod Quezon (Koalisyon), kaalyansa ng SHM, "upang mapagkaisa ang ating puwersa para sa isang malinis at progresibong lungsod."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest