38 Pinoy seamen sa Abu Dhabi pinalaya
April 26, 2001 | 12:00am
Pinalaya pansamantala ng tagausig ng Abu Dhabi ang 38 Pilipinong seaman na empleyado ng Gulf Agency Company na nakulong doon mula noong Enero 30 dahil sa pagkabigo ng amo nilang si Stanley Pereira na bayaran ang utang nitong walong milyong Dirham (P100 milyon) sa NBRAK Bank sa naturang bansa.
Sinabi sa ulat kahapon ni Philippine Ambassador to Abu Dhabi Amable Aguiluz III na pinayagang makalaya ang naturang mga OFW dahil sa pangako ng embahada ng Pilipinas na ihaharap sila sa judicial authorities ng Abu Dhabi kung kinakailangan.
Nadawit ang naturang mga OFW sa kaso dahil sila ang ginamit ni Pereira na guarantor para sa kinuha niyang utang sa banko. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended