De Villa, ooperahan sa puso

Ooperahan ngayon sa puso (triple bypass) si Executive Secretary Renato de Villa at inaasahan ng Malacañang na magtatagumpay ito para maipagpatuloy niya ang kanyang gawain sa Palasyo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao na nakausap niya si de Villa kahapon at kinumpirma nito ang operasyon dito na gagawin sa Makati Medical Center.

Masaya naman anya si de Villa nang makausap niya at hindi kinabakasan ng pag-aalala ang kalihim.

Hindi masabi ni Tiglao kung magtatalaga ang Pangulo ng pansamantalang kapalit ni de Villa bagaman tiniyak niya na hindi maaapektuhan ang trabaho sa opisina nito. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments