Kabilang sa kinasuhan sina P/Supt. Glenn Dumlao, Insp. Boy Arnado, Insp. Bobby Lancauan, SPO4 Boy Taulava, SPO3 Villanueva, SPO1 Mario Sarmiento, SPO1 William Reed, PO3 Lacasandile, PO2 Thomas Japitan Sarmiento, at SPO1 Ruperto Aguilar Nemeno.
Pero sinabi ni State Prosecutor Ruben Carretas na, para sa DOJ, hindi pa nalulutas ang naturang krimen hanggang sa kasalukuyan.
"Hindi pa yan sarado para sa investigating panel. Nasa proseso pa kami ng imbestigasyon. Maaaring tapos na ang trabaho ng pulisya pero, sa amin, hindi pa ito tapos," sabi ni Carretas.
Nauna nang kinasuhan ng NBI ng double murder at kidnaping sina SPO4 Marino Soberano at 13 pang kasamahan nito dahil sa paniniwalang sila ang responsable sa pagpatay kina Dacer at Corbito.
Nabatid na ang ilan sa mga bagong huling suspects ang humarang umano kina Dacer at Corbito sa South Superhighway sa hangganan ng Manila at Makati noong Nobyembre 24, 2000 bago dinala ang mga biktima sa Cavite.
Inatasan naman ni Carretas ang NBI na magsumite muli ng mga bagong ebidensya sa DOJ dahil maituturing na hilaw pa ang mga hawak nilang ebidensya. (Ulat ni Grace Amargo)