^

Bansa

Maayos na bilangguan giit ni Speaker Belmonte

-
Sinabi kahapon ni House of Representatives Speaker Feliciano Belmonte Jr. na maiiwasan ang mga riot sa mga bilangguan kung ma-papabuti ang kalagayan ng mga selda at ng mga preso.

Sinabi ni Belmonte na ang pagsisikip ng mga preso sa mga selda at ang pangit na kundisyon ng mga pasilidad ng mga bilangguan ang ilang dahilan kaya laging nagkakagulo ang mga bilanggo.

Inihalimbawa ni Belmonte ang Quezon City Jail na meron na ngayong 2,000 preso bagaman hanggang 700 tao lang ang kasyang makulong dito. Kamakailan lang ay nagkaroon dito ng riot ng magkakalabang mga grupo ng mga preso. Depektibo rin anya ang drainage rito at wala pang bentilasyon. Ganito rin ang sitwasyon sa ibang mga bilangguan sa buong bansa. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BELMONTE

DEPEKTIBO

GANITO

HOUSE OF REPRESENTATIVES SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

INIHALIMBAWA

KAMAKAILAN

MALOU RONGALERIOS

QUEZON CITY JAIL

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with