66 MILF rebels sumuko
April 22, 2001 | 12:00am
DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao May 66 na rebeldeng Moro Islamic Liberation Front na kinabibilangan ng apat na kumander nito ang kusang sumuko sa himpilan ng 6th Infantry Division ng Philippine Army kahapon.
Sa isang seremonya, iniharap ni 6th ID Commanding General Brig. Gen. Roy Kyamko kay Army Chief Lt. Gen. Jaime de los Santos ang mga sumukong rebelde.
Kabilang sa mga sumuko ang mga kumander ng MILF na sina Macasre Abdul Bayan, Poon Makadatar, Lito Kamsa at Abraham. Isinurender din ng mga rebelde ang kanilang 63 ibat ibang uri ng baril.
Pinagkalooban naman sila ni de los Santos ng P165,000 symbolic check para sa kanilang emergency cash assistance. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest