^

Bansa

Pagpapadikta kina Cory, FVR at Sin pinabulaanan ni Gloria

-
Pinabulaanan kamakalawa ng gabi ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na wala siyang sariling desisyon sa pamumuno sa pamahalaan at nadidiktahan siya ng mga dating pangulong sina Fidel Ramos at Corazon Aquino at ni Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin na mga kakampi niya sa EDSA 2.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Gridiron Night ng National Press Club na malaya siyang nagdedesisyon na ibinabatay sa alam niyang makakabuti sa bansa.

Ginawa ng Pangulo ang paglilinaw dahil sa ilang eksena sa Gridiron na pinamagatang "Glorya ni Gloria, Walang Ka-Erap-Erap" na nagpapasaring na nakikialam ang tatlo sa pagtatalaga niya ng mga opisyal ng Gabinete.

Bagaman hindi napikon sa tukso na kulang siya sa sukat, mabilis niyang sinabi na, kahit hindi siya matangkad, cute naman siya at walang masasabing masamang tsismis laban sa kanya ang mamamayan.

Pinuna rin ng Pangulo na masyadong mahal ang tig-P10,000 tiket sa Gridiron gayong sa Bulwagang Plaridel ng NPC ito itinanghal at hindi naman sa Manila Hotel. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BULWAGANG PLARIDEL

CORAZON AQUINO

FIDEL RAMOS

GRIDIRON NIGHT

LILIA TOLENTINO

MANILA ARCHBISHOP JAIME CARDINAL SIN

MANILA HOTEL

NATIONAL PRESS CLUB

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

WALANG KA-ERAP-ERAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with