GMA, ninang nina Aga at Charlene

Tinanggap na ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang imbitasyon na mag-ninang siya sa kasal nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales sa Mayo. Ito ang inihayag ni Press Undersecretary Roberto Capco sa isang pulong-balitaan kahapon kaugnay ng pagbisita ng magkasintahan sa Pangulo.

Gaganapin ang kasal ng dalawang artista sa Baguio City.

Nabatid din kay Presidential Spokesman Renato Corona na, sa Sabado, muling aakyat ang Pangulo sa Baguio City para rin mag-anak sa isa pang kasalan.

Ikakasal ang regional police officer at isang police security aide ng Pangulo.

Hindi masabi ni Corona kung ilan na ang inaanak ni Arroyo sa kasal na inaasahang madadagdagan ngayong isa na itong Pangulo ng bansa. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments