Pinoy boxer na-KO sa New York, grabe
April 16, 2001 | 12:00am
Pinabagsak ni Nelson Dieppa ng Puerto Rico si Andy Tabanas ng Philippines sa 2:24 ng kanilang 11th round match noong Sabado (Linggo sa Manila) upang mapagwagian ang bakanteng WBO junior flyweight championship.
Ngunit ang mas hindi magandang balita, isinugod sa ospital ang Filipino boxer makaraang tamaan ng suntok ni Dieppa sa baba na pansamantalang pumigil sa laban dahil bumagsak sa canvass si Tabanas at hindi tumitinag ng ilang minuto.
Kinailangan pa nitong bigyan ng oxygen bago tuluyang ilabas sa court at nakahiga sa stretcher na dinala sa St. Vincent’s Hospital para sa serye ng X’rays.
Kailangan nitong sumailalim sa CT scan dahil sa pagkakaalog ng utak.
Lamang si Tabanas sa dalawa sa tatlong hurado nang itigil ang laban na undercard sa laban nina Bernard Hopkins at Keith Holmes.
Habang sinusulat ito, si Tabanas ay kasalukuyan pa ring nasa-ospital pa rin para sa ilang medication na ayon sa kanilang medical officials ay isang normal procedure para sa na-knockout na kalaban. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest