^

Bansa

GMA, nanawagan para sa kuwaresma

-
Nanawagan kahapon si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa lahat ng Pilipino na lubusang magsikap para maisakatuparan ang dakilang balak ng Diyos para sa Pilipinas.

"Magbuklod-buklod tayong lahat sa natatanging panahong ito para higit nating maibandila ang ating pagkakaisa at banal na layuning maisulong ang kapakanan at kagalingan ng buong sambayanan," sabi pa ng Pangulo sa kanyang mensahe sa paggunita ng bansa sa Semana Santa.

Idiniin ng Pangulo na ang pagpapatawad ang isang tampok na diwa ng Mahal na Araw pero nilinaw niya na katumbas din dito ang pagtanggap natin sa ating mga pagkakamali at taos-pusong pagsisisi para maging karapat-dapat sa pagpapakasakit ng Dakilang Maykapal.

Nabatid na sa Baguio City magpapalipas ng Semana Santa ang Pangulo at ang kanyang pamilya. Inaasahang sa lunsod na ito magninilay ang Pangulo at makikinig siya sa isang misa sa Ifugao sa Linggo ng Pagkabuhay. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

ARAW

BAGUIO CITY

DAKILANG MAYKAPAL

DIYOS

IDINIIN

IFUGAO

LILIA TOLENTINO

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SEMANA SANTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with