^

Bansa

Estrada Cronies sinubpoena na !

-
Pinadalhan ng summon ng Office of the Ombudsman ang siyam na umano’y cronies ni dating Pangulong Joseph Estrada para pagpaliwanagin kung bakit hindi sila dapat kasuhan ng plunder dahil sa pagdeposito ng milyun-milyong piso sa lihim na P3.3 bilyong bank account ng napatalsik na presidente.

Inatasan din ni Overall Deputy Ombudsman Margarito Gervacio Jr. ang mga kaalyado ni Estrada na magsumite ng counter-affidavit at sagutin ang akusasyon sa kanila ng tatlong grupo ng mga abogado sa loob ng 10 araw.

Kabilang sa mga sinubpoena sina Jaime Dichavez, asawa umano niyang si Abby, Mark Jimenez, PLDT President Manny Pangilinan, George Go, Dante Tan, Lucio Co, Kelvin Garcia, William Gatchalian at ang abogado ni Dichaves na si Fernando Chua.

Ang pangalan ng naturang mga cronies ang nakatala sa pangalawang envelop ng Equitable-PCI Bank na naglalaman ng mga dokumento ng P3.3 bilyong account ng Jose Velarde na isa umanong alyas ni Estrada.

Lumilitaw sa rekord ng Equitable na nagsimula lang sa P1 ang deposito rito ni Estrada bago naging P81 milyon nang sumunod na araw hanggang sa maging P3.3 bilyon sa loob lang ng 15 buwan. (Ulat ni Grace Amargo)

DANTE TAN

FERNANDO CHUA

GEORGE GO

GRACE AMARGO

JAIME DICHAVEZ

JOSE VELARDE

KELVIN GARCIA

LUCIO CO

MARK JIMENEZ

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with