Pagpalit ni Erap kay Loi pabor sa PPC

Pabor umano sa mga senatorial candidate ng administrasyong Arroyo kapag natuloy ang ulat na papalitan ni dating Pangulong Joseph Estrada ang asawa nitong si Dra. Luisa "Loi" Ejercito-Estrada sa senatorial slate ng oposisyong Puwersa ng Masa.

Sinabi ni Las Piñas Rep. Manuel Villar na mas malaki ang tsansang makuha ng People Power Coalition ang botong 13-0 sa senatorial election kapag pinalitan ni Estrada ang asawa nito.

Magdudulot anya ng pangamba sa mamamayan ang pagbalik ni Estrada sa pulitika bukod sa parang pinaglaruan ng dating Pangulo ang proseso ng halalan sa bansa. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

Show comments