Ito ang pagbibigay diin ni Carranza sa gitna ng mga panawagan ng Crusade Against Violence (CAV) na magbitiw na ito dahil hindi nito kayang kontrolin ang serye ng pagkamatay ng mga kadete sa hazing.
Nilinaw ni Carranza na walang naganap na foul play sa pagkamatay ni De Guzman, hindi tulad nang nangyari kay Cadet 4th Class Edward Domingo, nagkasakit ito at minalas pang matapat na brownout nang sinasalba ang buhay nito sa Baguio General Hospital noong nakalipas na Sabado.
Si De Guzman ay binawian ng buhay habang sinisipsip ang tubig nito sa baga sanhi ng karamdaman nitong acute respiratory syndrome o kahirapan sa paghinga kung saan bahagi ng iniinom nitong tubig ay napupunta sa baga. Sinabi rin nito na walang siyang itinatago sa pagkamatay ni De Guzman dahilan sa pinaiiral ng kanyang liderato ang "transparency" sa akademya. (Ulat ni Joy Cantos)