^

Bansa

Ferry boat lumubog: 2 patay, 21 missing

-
Dalawa ang namatay na kinabibilangan ng rescuer bagaman 28 katao ang nailigtas at 21 pa ang nawawala sa paglubog ng isang pampasaherong ferry boat sa kanlurang bahagi ng karagatan ng Tablas Island, Romblon kamakalawa ng umaga.

Kinilala sa ulat ng Coast Guard at Philippine Navy ang rescuer na si Nemesio Burgos ng AFP Housing Village, San Mateo, Rizal. Kasalukuyan pang inaalam ang pangalan ng namatay na sibilyan.

Ipinalalagay na nauntog ang ulo ni ni Burgos sa isang matigas na bagay sa ferry boat habang sinasagip niya ang ilan sa mga biktima. Nakuha ang kanyang bangkay habang lulutang-lutang ito sa karagatan.

May lulan umanong 40 pasahero ang ferry boat na M/BCA Seagold habang naglalayag sa karagatan nang lumulubog ito sa naturang lugar bandang alas-8:00 ng umaga. Kagagaling lang ng ferry boat sa Maestro de Ocampo Island patungong Looc, Tablas Island nang maganap ang sakuna.

May 21 pasahero maliban sa ilang tripulante ang iniulat na nawawala at patuloy na pinaghahanap habang isinusulat ito. (Ulat nina Joy Cantos at Ed Amoroso)

BURGOS

COAST GUARD

ED AMOROSO

HOUSING VILLAGE

JOY CANTOS

NEMESIO BURGOS

OCAMPO ISLAND

PHILIPPINE NAVY

SAN MATEO

TABLAS ISLAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with