^

Bansa

'Linisin mo ang pangalan mo' - Belmonte

-
Tinagubilinan kahapon ni House of Representatives Speaker Feliciano Belmonte si Quezon Congressman Marcial Punzalan Jr. na linisin ang pangalan nito matapos itong masangkot sa droga sa lalawigan nito.

Sinabi ng Speaker na, bagaman hindi naaapektuhan ang imahen ng Kongreso, kailangan pa ring linisin ni Punzalan ang pangalan nito.

Sa ngayon anya, pawang mga bintang lang ang ipinupukol sa mambabatas ng Quezon kaya wala pang basihan para kondenahin ito.

"Tinawagan ako ni Jun (Punzalan) para sabihin lamang na "Speaker, hindi totoo yan," sabi ni Belmonte.

Pinayuhan din ni Belmonte si Punzalan na makipagtulungan sa mga awtoridad para malinis ang pangalan ng naturang kongresista. Nagpahayag din ng paniniwala ang Speaker na malaki ang kinalaman ng pulitika sa kasong kinakaharap ni Punzalan.

Isang testigong si Jonathan Perpinan ang nagsabing isa umano si Punzalan sa mga protektor ng droga sa Quezon. Isinampa na kamakalawa sa Department of Justice ang kasong drug trafficking at kidnaping laban kay Punzalan at iba pa.

Samantala, isang impormante ang nagsabing kamag-anak umano ng isang negosyanteng kaibigan ni dating Pangulong Joseph Estrada na si Lucio Tan ang isa sa anim na suspek na si Raymond Tan na nahulihan ng P730 milyong halaga ng 365 kilo ng shabu sa Sariaya, Quezon noong Agosto 24, 2000. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

BELMONTE

DEPARTMENT OF JUSTICE

HOUSE OF REPRESENTATIVES SPEAKER FELICIANO BELMONTE

JONATHAN PERPINAN

LUCIO TAN

MARILOU RONGALERIOS

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PUNZALAN

QUEZON

QUEZON CONGRESSMAN MARCIAL PUNZALAN JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with