Sinabi pa ng Pangulo na marami siyang inaasikasong trabaho para sa mamamayan kaya hindi niya gustong mawili nang husto sa text messaging.
Inihayag ito ng Pangulo sa isang pulong-balitaan kahapon nang ilunsad ang proyektong TEXT GMA sa ilalim ng pangangasiwa ng Presidential Management Staff at sa pakikipagtulungan ng Globe at Smart.
Inilunsad ang proyekto para makapagpadala ng mensahe sa Pangulo ang mamamayan sa pamamagitan ng computer terminal ng PAC.
Sinabi ng Pangulo na direkta niyang sasagutin sa pamamagitan ng PAC ang lahat ng mensaheng ipinaabot sa kanya.
Maaaring magpadala ng mensahe sa Pangulo sa pamamagitan ng mga Smart Numbers (1-3) 0919-8984621; 0918-8984622 at 0918-8984623. Mate-text din siya sa mga Globe numbers (Text GMA) 0917-8398462; at 0917-8985462. (Ulat ni Lilia Tolentino)