P 1,500 kapalit ng buhay ni Dacer
April 2, 2001 | 12:00am
Masarap na pagkain sa isang magandang restawran at P1,500 ang kapalit umano ng pagpatay sa public relations man na si Salvador "Bubby" Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito.
Ito ang nabunyag sa affidavit na isinumite sa National Bureau of Investigation ng isa sa dalawang nadakip na suspek na residente ng Cavite at nagsilbing testigo sa kaso na si Alex Diloy.
Sinasabi umano ni Diloy sa kanyang affidavit na P1,000 ang tinanggap niya mula sa isa sa mga kasabwat sa krimen matapos patayin sina Dacer at Corbito noong Nobyembre 24, 2000. Tumanggap din siya ng dagdag na P500 noong nakaraang Pasko pero hindi na niya inusisa ang dahilan dito.
Tangi lang ginawa ni Diloy pagkatanggap niya ng pera ang pagtulong sa pagpatay kina Dacer at Corbito.
"Maaaring iyon ang ibinayad sa kanya pero hindi karaniwan na mabigyan lang basta ng ganoong pera si Diloy," sabi ng mga imbestigador ng NBI-National Capital Region.
Gayunman, hindi mabatid kung regular na tumatanggap ng ibang pera mula sa nagpakana ng krimen sina Diloy, kapwa nito magsasakang si Jimmy Lopez, at iba pang kinasuhan ng double murder kaugnay ng pagdukot at pagpatay sa naturang mga biktima.
Naunang napaulat na kinidnap sina Dacer at Corbito sa may hangganan ng Makati City at Manila. Sinabi nina Diloy at Lopez na pinatay muna ang mga biktima bago sinunog ang bangkay ng mga ito at inilibing sa may tabi ng isang sapa sa Indang, Cavite.
Sinabi ng mga imbestigador na wala namang binabanggit si Lopez sa kanyang affidavit kung ano ang tinanggap niya kapalit ng pagsasagawa ng krimen. (Ulat ni Jose Aravilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am