RP tutulungan ng China sa pagsugpo sa droga

Tutulong ang pamahalaang Chinese sa pagsugpo sa pagpupuslit sa Pilipinas ng mga bawal na gamot mula sa China na umaabot sa halagang $5 bilyon o P260 bilyon taon-taon.

Ito ang nabatid kahapon kay National Security Adviser Roilo Golez na nagsabi pang tiniyak ni Chinese Ambassador Fu Ying na kumikilos ang pamahalaan nito para malutas ang problema sa umano’y pagkakasangkot ng ilang opisyal ng People’s Liberation Army sa bentahan ng droga. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments