All-out war vs Puwersa isinulong
March 30, 2001 | 12:00am
Nagdeklara ng all-out war laban sa mga kandidato ng oposisyong Puwersa ng Masa ang mga grupong Akbayan, Kompil II, Couples for Christ, at iba pang civil society group na bumubuo sa 13-0 movement.
Sinabi ni Jessie Dimaisip ng Akbayan na isang all-out war ang kanilang isusulong para hindi makatikim ng kahit isang boto mula sa mga organisadong grupo ang mga kandidato ng oposisyon na itinuturing nilang mga traditional politician o trapo.
Sinabi ni Dimaisip na nangunguna sa kanilang listahan ang mga kandidatong senador ng PnM na sina Miriam Santiago, Juan Ponce Enrile, Gregorio Honasan, Orlando Mercado, Panfilo Lacson, Ed Angara at Loi Ejercito.
Sinabi ni Jun Simon ng 13-0 movement na isa lang "Erap-clone in disguise" ang mga kandidato ng oposisyon na gagamitin ni dating Pangulong Joseph Estrada para maibalik ito sa puwesto. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am