^

Bansa

GMA planong likidahin sa Mindanao

-
ZAMBOANGA CITY- Hinigpitan na ang seguridad ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagbisita niya ngayong Marso 30 sa Pagadian City at Zamboanga del Sur dahil sa umano’y mga bantang pagpatay sa kanya, ayon sa mga opisyal ng militar dito.

Hindi kinukumpirma o pinabubulaanan ni Armed Forces Southern Command Chief Lt. Gen. Gregorio Camiling ang mga ulat pero inatasan niya ang puwersa ng militar na maging alerto.

Sinabi ni Camiling na ang mahigpit na seguridad ang magsasawata sa mga planong saktan ang Pangulo.

Nagtayo na rin ang militar ng mga checkpoint sa mga national highway at ruta na patungo sa Pagadian City.

Dahil sa pagkalat ng ulat sa planong pagpatay sa Pangulo, kumilos ang mga intelligence agencies ng pamahalaan para beripikahin ito bagaman hindi mabatid kung saan ito galing. (Ulat ni Roel Pareno)

ARMED FORCES SOUTHERN COMMAND CHIEF LT

CAMILING

DAHIL

GREGORIO CAMILING

HINIGPITAN

PAGADIAN CITY

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

ROEL PARENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with