Panukalang pagpalit sa pangalan ng BIR binara ni Belmonte
March 29, 2001 | 12:00am
Tinanggihan kahapon ni House of Representatives Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang panukalang itatag ng Kongreso ang Philippine Internal Revenue Authority (PIRA) bilang kapalit ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Sinabi ni Belmonte na mga mahuhusay na tax collector ang kailangan para mapalaki ang koleksyon ng pamahalaan sa buwis at hindi ang pagpapalit ng pangalan ng ahensyang nangongolekta ng buwis.
Ipinaliwanag ni Belmonte na, kahit palitan ang pangalan ng BIR na tulad ng mungkahi ni BIR Commissioner Rene Banez, wala itong silbi kung tamad at hindi tapat ang mga tax collector.
Patuloy anyang mahaharap ang pamahalaan sa malaking kakulangan sa budget hanggat hindi nakakakolekta ng tamang buwis ang BIR na dapat pumasok sa kaban ng bayan.
Sinabi naman ni Las Piñas Rep. Manuel Villar na, kung hindi babaguhin ang sistema ng koleksyon sa buwis, hindi pa rin tataas ang revenue collection ng bansa kahit na palitan pa ang pangalan ng BIR.
"Kahit na BIR pa yan o PIRA, kung hindi naman nila ginagawa nang maayos ang kanilang trabaho, hindi pa rin liliit ang budget deficit ng bansa," sabi pa ni Villar. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended