MILF rebels umayuda sa pagtugis kay Manero

Magdaraos ng kilos-protesta ang simbahang Katoliko, civic at cause-oriented group sa katimugang Mindanao para igiit sa mga awtoridad ang mabilis na pagdakip sa nakatakas na bilanggong si Norberto Manero na nasentensyahang makulong nang habambuhay dahil sa pagpatay sa isang Italyanong pari.

Sinasabi ng ilang impormante na tumutulong ang Moro Islamic Liberation Front para madakip muli si Manero na tumakas mula sa Sarangani Provincial Jail noong Huwebes.

Isinangguni na ng pulisya sa Department of Justice ang ilan sa napaulat na mga kundisyon ni Manero para siya sumuko tulad ng pagpapabalik sa kanyang presidential pardon na binawi ng napatalsik na administrasyon ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Nais din ni Manero na ipawalambisa ang suspension order sa ilang jailguard ng tinakasan niyang piitan. (Ulat ni Rose Tamayo)

Show comments