Abogado ni Irene 'kakanta' sa US$13-B account
March 26, 2001 | 12:00am
Handa na umanong magsalita ang abogado ng mag-asawang Irene at Gregorio Araneta na si Eleazar Reyes hinggil sa naganap noong Pebrero 14 nang tangkain umano ng kanyang mga kliyente na ilipat sa Deutsche Bank ng Germany ang kanilang $13.2 bilyong account na nasa Union Bank of Switzerland.
Sinabi ni Presidential Commission on Good Government Officer-in-Charge Jorge Sarmiento na nabatid niya mula sa isa niyang kaibigan na pinaplano ni Reyes na sulatan si Senate President at Blue Ribbon Committee Chairman Aquilino Pimentel Jr. at ang PCGG para ipaliwanag ang panig ng naturang abogado.
Si Reyes ang binabanggit umano ng mga opisyal ng German bank na nagsama sa mga Araneta sa Deutsche Bank noong Pebrero 14.
"Sabi ng kaibigan ko, binabalak ni Reyes na sulatan si Senate President Pimentel. Tahimik ang mga Marcos. Sa tingin ko, susulatan din niya ang PCGG, maaaring ako o si Senate President Pimentel. Si Reyes lang ito. Hindi ko alam kung magsasalita siya para sa mga Marcos o maaaring ipaliwanag lang niya ang kanyang panig," sabi ni Sarmiento.
Sinabi pa ni Sarmiento na dapat muling imbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang umanoy P13.2 bilyong account ni Irene, isa sa mga anak ni yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Itinigil ng SBRC noong 1999 ang imbestigasyon nito sa naturang bank account ni Araneta makaraang ideklara ng isang pribadong auditing company na inupahan ng PCGG na walang ganoong account sa banko ang anak ni Marcos. (Ulat ni Jose Rodel Clapano)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest