^

Bansa

Pinoy sa Saudi, gumon sa lotto?

-
Talamak at isa umano sa dahilan ng pagkakasawi at pagkakasadlak sa kapahamakan ng ilang overseas Filipino workers sa Middle East laluna sa Saudi Arabia ang "lottery" o lotto doon.

Naging isa sa mga dahilan o mitsa rin umano ang lotto ng hindi maipaliwanag na pagkawala at pagkamatay ng ilang mga OFWs sa Middle East.

Hindi rin umano katakataka kung may ilang pamilya dito sa Pilipinas ng mga OFWs na naroroon at nagrereklamo sa Department of Foreign Affairs at Overseas Workers Welfare Assistance na hindi na nila makontak at wala na ring balitang natatanggap mula sa mga ito dahilan rin umano minsan ito sa lotto.

Ito ang naging pahayag ng isang Leo Unabia, 48, may asawa na isa ring domestic helper sa Riyadh na namasukan doon mula pa noong 1986 at naninirahan sa Davao City.

Si Unabia ay ilang taon nang pabalik-balik mula noong 1995 sa Saudi Arabia bilang isang family driver doon, kusa siyang pumunta sa PSN upang ihayag ang nakatagong katotohanan sa buhay ng ilang mga OFWs sa Middle East.

Ayon kay Unabia na mula nang mabasa niya sa pahayagang ito ang balita tungkol sa pagpaslang kay Jaime dela Cruz na umano’y pinatay ng anim nitong kababayan matapos manalo ng ilang milyon sa lotto doon ay hindi na ito mapakali na sabihin ang kanyang nalalaman tungkol sa nangyayaring katotohanan sa ating mga kababayang OFWs doon na may kaugnayan sa lotto.

Kusa niyang inihayag sa naging panayam sa kanya na marami umanong mga "unreported cases" ng mga OFWs na pinapatay doon dahilan lamang sa lotto.

Aniya, talamak na parang jueteng umano rito sa Pilipinas ang lotto doon maliban pa sa operasyon ng "last two digits" na kinuha rin sa dalawang huling numero sa 6 na digits ng lotto numbers pati na ang operasyon ng sabungan sa Riyadh na pinamumunuan ng ilang may malalakas na loob na mga OFWs.

Sinabi ni Unabia na sa 10 Saudi Riyals umanong bet ay maaari ka nang manalo ng 4,500 Saudi Riyals na mas malaki pa umanong kikitain kaysa sa ilang buwan na sahod ng isang OFW doon.

Ayon pa kay Unabia, dalawang beses umanong nagkakaroon ng lotto draw sa isang buwan; bawat a-kinse at a-trenta na kung saan nanggagaling pa sa bansang Thailand ang resulta nito, kasangkot din umano ang ilang matataas na opisyal at mga negosyante ng Saudi Arabia sa operasyon ng lotto doon.

Nasaksihan rin umano ni Unabia ang pagpaslang sa isang kasamahan nitong nagngangalang Rolly na isang usher ng lotto roon.

Si Rolly umano ay pinugutan ng ulo ng isang Saudi national na tumaya’t nanalo sa kanya ng lotto at nang hindi nito naibigay ang lahat ng pinanalunan na pera ay pinugutan ito ng naturang Arabo at itinapon sa isang disyerto roon ang kanyang bangkay at ang pangyayari umanong ito ay hindi nakaabot sa kaalaman ng pamilya ni Rolly hanggang sa kasalukuyan bagamat alam umano ito ng Philippine Embassy doon.

Ayon pa kay Unabia, alam umano ng embahada ng Pilipinas ang mga pangyayaring ito bagamat nagbubulag-bulagan lamang umano at taliwas dito ay may ilang mga opisyales din umano ng embahada ang nagtatanong kung ano ang malakas na numero ng lotto na tumataya rin umano sa lotto roon. (Ulat ni Rose Tamayo)

AYON

DOON

ILANG

LOTTO

MIDDLE EAST

SAUDI ARABIA

UMANO

UNABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with