^

Bansa

DOJ Sec. Perez, manonood ng 'Live Show'

-
Inihayag kahapon ni Justice Secretary Hernando Perez na panonoorin niya ang kontrobersyal na "Live Show" para makita niya kung may matibay na basihan para idemanda ang producer at director ng naturang pelikula.

"Para sa interes ng hustisya, maaaring dapat kong panoorin yan para makita ko kung talagang may basihan na sampahan ng kaso (ang mga gumawa ng pelikula). Kung wala naman, titingnan pa rin natin," sabi pa ng kalihim.

Ginawa ni Perez ang pahayag kasunod ng pagpapahinto ng Malacañang sa pagpapalabas ng "Live Show" na mariing kinondena ng simbahang Katoliko dahil umano sa kalaswaan. Nagbunsod din ito sa pagbibitiw ni Movie and Television Review and Classification Board Chairman Nicanor Tiongson sa puwesto. Ilang grupo naman ng mga movie director at ibang sektor sa pelikula ang kumokondena sa ginawa ng pamahalaang Arroyo.

Kaugnay pa nito, inatasan ni Perez ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na siyasatin ang mga kumpanya ng mga panlalawigang pampasaherong bus na nagpapalabas ng mga bold movies sa kanilang sasakyan.

Pumabor naman sina Senate President Aquilino Pimentel Jr. at Batangas Rep. Ralph Recto sa pagpapahinto sa pagpapalabas sa "Live Show" sa mga sinehan.

Idiniin ni Pimentel na kailangang isipin ng MTRCB ang moralidad ng kabataan bago aprubahan ang isang pelikula.

Pinaboran ni Recto ang pagpapatigil ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa naturang pelikula dahil dapat lang itong maging konserbatibo para maging halimbawa sa mamamayan. (Ulat nina Grace Amargo, Doris Franche at Marilou Rongalerios)

BATANGAS REP

DORIS FRANCHE

GRACE AMARGO

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LIVE SHOW

MARILOU RONGALERIOS

MOVIE AND TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD CHAIRMAN NICANOR TIONGSON

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with