Bold stars bibitawan sa rally

Hindi umano gagamitin sa mga rally ng administrasyong People Power Coalition ang mga bold stars upang humatak ng tao kundi mga cultural dancers na lang.

Ayon sa isang source, hindi na kukunin ng PPC ang serbisyo nina Ana Capri at Klaudia Koronel, mga bida sa pelikulang "Live Show", na kadalasang panghatak ng tao ng PPC.

Sa halip mga cultural dance na lamang ng mga kabataan ang ipapapanood sa mga tao habang naghihintay sa pagdating o pagsasalita ng mga senatorial candidates.

Sa mga kampanyang kasama ang dalawang aktres, nagawa ng mga itong ipromote ang kanilang kontrobersiyal na pelikula para panoorin ng mga tao. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

Show comments