^

Bansa

Driver ng killer-tanker sumuko

-
Sumuko kahapon ang driver ng oil tanker na bumangga sa isang jeepney at ibang sasakyan at nakapatay ng 14 na tao sa Coastal Road, Barangay La Huerta, Parañaque City noong Lunes ng umaga.

Bandang alas-11:30 ng umaga nang humarap sa tanggapan ni Parañaque Mayor Joey Marquez ang driver na si Gilbert Galleron, 25, stay-in driver ng D.P. Freight Services.

Sinamahan si Galleron ng abogado niyang si Atty. Alberto Villamor sa pagsuko sa mga awtoridad.

May tatlong araw ding nagtago si Galleron makaraang takasan ang kinasangkutan niyang sakuna. Limang sasakyan ang sumabog nang salpukin ang mga ito ng minamaneho niyang oil tanker ng Pilipinas Shell na ikinasawi ng maraming pasahero.

Sinabi ni Galleron na labis siyang nakunsiyensiya kaya nagpatulong siya sa isang abogado para sa kanyang pagsuko.

Nahaharap si Galleron sa mga kasong hit and run, reckless imprudence resulting to multiple homicide, multiple physical injuries at damage to property. Takda rin siyang isailalim sa drug test.

Idiniin ni Galleron na aksidente lang ang nangyari at hindi niya ito sinasadya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALBERTO VILLAMOR

BARANGAY LA HUERTA

COASTAL ROAD

FREIGHT SERVICES

GALLERON

GILBERT GALLERON

LORDETH BONILLA

MAYOR JOEY MARQUEZ

PILIPINAS SHELL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with