^

Bansa

NDF, nagdeklara ng ceasefire

-
Nagdeklara kahapon ng ceasefire ang National Democratic Front na, ibig sabihin, hindi muna makikipagsagupa sa mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines ang mga rebeldeng miyembro ng New People’s Army ng Com munist Party of the Philippines.

Magkakabisa ang ceasefire mula Marso 17 hanggang Abril 11 para mabigyang-daan ang pagpapalaya kay Major Noel Buan na bihag ng NPA, ayon sa punong negosyador ng NDF na si Luis Jalandoni mula sa isang pahayag mula sa kanyang base sa The Netherlands.

Naunang ipinahinto ng pamahalaan ang opensiba ng militar laban sa NPA sa katimugang Tagalog para sa negosasyon sa pagpapalaya kay Buan.

Kaugnay ng isinusulong na usapang pakikipagkapaya- paan sa NDF, sinabi kahapon ni Vice President at Foreign Affairs Secretary Teofisto Guingona Jr. na iniuurong na ng pamahalaang Pilipino ang kahilingan nito sa Dutch government na patalsikin sa The Netherlands si CPP founding chairman Jose Maria Sison at pabalikin ito sa Pilipinas. (Ulat ni Rose Tamayo)

ABRIL

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY TEOFISTO GUINGONA JR.

JOSE MARIA SISON

LUIS JALANDONI

MAJOR NOEL BUAN

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

NEW PEOPLE

PARTY OF THE PHILIPPINES

ROSE TAMAYO

VICE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with