^

Bansa

Killer ng 2 UP students ipinatutugis

-
Inutos kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga ahensyang tagapagpatupad ng batas na paigtingin ang pagtugis sa mga kumidnap at pumatay sa mga estudyante ng University of the Philippines-Baguio na sina John Carlos Leong, 23, at nobya nitong si Honey Tingale.

Kasabay ng pagkondena sa naturang krimen, nilinaw ng Pangulo na hindi dapat maalarma ang publiko dahil nananatiling mas mababa ang crime rate sa bansa.

Sinabi ng Pangulo na hindi siya titigil hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng magkasintahang dalawang estudyante.

"Tutugisin ng mga awtoridad ang mga kidnaper. Maaari silang makatakas pero hindi sila makakapagtago habambuhay. Pag-iibayuhin namin ang lahat ng pagsisikap para masugpo ang mga kidnaping," wika ng Pangulo kasabay ng pakikidalamhati sa pamilya ng mga biktima.

Nabatid na kinidnap ang mga biktima sa Baguio City. Noong Linggo, natagpuan ang kanilang mga bangkay sa Pampanga tatlong araw makaraang dukutin sila ng mga suspek.

Sinabi ng pulisya na pinatay pa rin ng mga kidnaper sina Leong at Tingale kahit nagbayad ng P200,- 000 ransom ang kanilang mga magulang. (Ulat ni Ely Saludar)

BAGUIO CITY

ELY SALUDAR

HONEY TINGALE

JOHN CARLOS LEONG

NOONG LINGGO

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SINABI

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES-BAGUIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with