Itinakda rin ng Mataas na Hukuman sa Marso 16 ang pagdinig sa naturang petisyon na nagreklamo na, sa 7.2 milyong kabataan, 282,482 lamang ang hindi nakapagparehistro.
Itinakda rin ng Senado ang special session nito sa Marso 19-20 para sa pagsususog sa Omnibus Election code at mapagbigyan ang may apat na milyong kabataan na makapagparehistro at makaboto sa halalan.
Ipinahiwatig ni Senate President Aquilino Pimentel na maaaring mapagtibay ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa Marso 22 ang panukalang-batas para sa rehistrasyon bago ito lagdaan ng Pangulo sa Marso 23. Malamang idaos ang rehistrasyon sa Abril 2. (Ulat nina Grace Amargo at Doris Franche)