Comelec, pinasasagot ng Supreme Court sa isyu ng registration
March 14, 2001 | 12:00am
Inatasan kahapon ng Supreme Court ang Commission on Elections na sagutin ang petisyon ng isang Michelle Betito at ng mga grupong Akbayan, Alyansa at KOMPIL II na humihiling na magdaos ng espesyal na rehistrasyon para sa mga kabataang hindi makakaboto sa halalan sa Mayo dahil sa pagkabigong makapagparehistro sa Comelec.
Itinakda rin ng Mataas na Hukuman sa Marso 16 ang pagdinig sa naturang petisyon na nagreklamo na, sa 7.2 milyong kabataan, 282,482 lamang ang hindi nakapagparehistro.
Itinakda rin ng Senado ang special session nito sa Marso 19-20 para sa pagsususog sa Omnibus Election code at mapagbigyan ang may apat na milyong kabataan na makapagparehistro at makaboto sa halalan.
Ipinahiwatig ni Senate President Aquilino Pimentel na maaaring mapagtibay ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa Marso 22 ang panukalang-batas para sa rehistrasyon bago ito lagdaan ng Pangulo sa Marso 23. Malamang idaos ang rehistrasyon sa Abril 2. (Ulat nina Grace Amargo at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended