Cloning sa tao binira ng simbahan

Sa unang pagkakataon, idineklara kahapon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na dapat ipagbawal at ituring na murder ang pagsasaga wa ng cloning sa mga binhi ng tao o human embryo para umani ng mga selula na gagamitin sa paglikha ng mga bahagi ng katawan ng tao.

Ginawa ng CBCP ang deklarasyon bilang tugon sa isang batas na pinagtibay noong Enero sa Britain at nagpapahintulot sa mga scientist na mag-clone ng binhi ng tao para sa medisina at pahinugin ang mga ito 14 na araw pagkatapos ng fertilization.

Sinasabi ng mga scientist na ang embryo ay isang kulumpon lang ng mga stem cell na maaaring pa usubungin bilang isang bagong uri ng tissue o hi maymay. Kapag yumabong na ang selula, maaari itong ipalit sa napinsalang tissue sa katawan ng isang tao.

Pero iginiit ng CBCP na ang pagwasak sa embryo ay isang uri ng pagpatay at labag ito sa moralidad. "Usapin ito ng human right o ng karapatang mabuhay," sabi ng tagapagsalita ng CBCP na si Archbishop Leonardo Legaspi. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

Show comments