^

Bansa

2 suspect sa Dacer case nawawala

-
Palaisipan ngayon ang pagkawala ng dalawang miyembro ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force na kabilang umano sa mga suspect ng National Bureau of Investigation sa misteryosong pagkawala ng public relations man na si Salvador "Bubby" Dacer at ng driver nitong si Emmanuel Corbito.

Sinabi kahapon ni PAOCTF Chief Director Hermogenes Ebdane na hindi na matagpuan ng kanyang mga tauhan sina Sr. Supt. Teofilo Vinia na dating hepe ng task force sa Visayas at tauhan nitong si SPO3 Marino Soberano.

Hindi rin umano nagpaalam ang dalawa bago nawala.

Naganap ang pagkawala nina Vinia at Soberano ilang araw matapos silang kilalanin ng NBI bilang ilan sa posibleng may kinalaman sa pag- kawala nina Dacer at Corbito mula noong Nobyembre 24, 2000.

Kinumpirma ni Ebdane na isa sa dahilan kaya sila nahihirapang matagpuan ang dalawa ay ang pagsusumite nila ng early retirement pero hindi binanggit ng opisyal kung kailan ito isinumite ng dalawa.

Muli namang ipinangako ng pamunuan ng PAOCTF na gagawin nila ang lahat ng paraan para matagpuan ang sino mang opisyal o miyembro nila na suspek umano sa pagdukot kay Dacer.

Samantala, sinabi kahapon ni NBI-National Capital Region Director Samuel Ong na takda nilang kasuhan ng kidnaping sina Vinia, Soberano at SPO2 Edmund de Leon ng PAOCTF-Luzon makaraang isnabin nila ang subpoe-na kaugnay ng pagkakadawit nila sa pagkawala nina Dacer at Corbito. (Ulat ni Joy Cantos at Ellen Fernando)

CHIEF DIRECTOR HERMOGENES EBDANE

CORBITO

DACER

ELLEN FERNANDO

EMMANUEL CORBITO

JOY CANTOS

MARINO SOBERANO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL CAPITAL REGION DIRECTOR SAMUEL ONG

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with