Peace talks sa Abril na !
March 11, 2001 | 12:00am
Nagkasundo ang mga panel ng pamahalaan ng Pilipinas at ng National Democratic Front na simulan sa Abril 27 sa isang patas na dayuhang bansa ang pormal na negosasyong pangkayapaan.
Nakasaad ang kasunduan sa nilagdaang magkasanib na pahayag ng dalawang panel na pinamumunuan nina Silvestre Bello III (para sa Pilipinas) at Luis Jalandoni (para sa NDF) kasunod ng kanilang pulong sa Hague, The Netherlands noong Marso 6-9, 2001.
Kasama sa panel ng pamahalaan sina Agrarian Reform Secretary Hernani Braganza at Atty. Rene Sarmiento samantalang miyembro ng NDF panel sina Fidel Agcaoili at Connie Ledesma.
Nagkasundo rin ang magkabilang panig sa pagbabalik ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantee na magbibigay ng safeconduct pass sa mga rebeldeng komunista na kalahok sa usapang pangkapayapaan. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest