'Estrada isinusuka sa Mindanao' - PPC

Lasing at nananaginip nang gising umano ang pinatalsik na si dating Pangulong Joseph Estrada nang angkinin niya na balwarte ng Puwersa ng Masa ang buong Mindanao kaugnay ng nalalapit na halalan.

Sinabi ni People Power Coalition senatorial candidate Wigberto Tanada na katawa-tawa ang pahayag ni Estrada dahil alam ng lahat ang kabi-kabilang paglabag sa karapatang pantao ng nagdaang administrasyon nito.

Sinabi ni Tanada na, kung gaano kalaki ang ginastos at pininsalang ari-arian ng "all-out war policy" ni Estrada ay libong bilang ng sibilyan din ang niyurakan at inulila ng dati nitong pamahalaan. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments