^

Bansa

Gen. Villanaueva, nahirang na Chief of Staff ng AFP

-
Isang Army general na kilalang beterano sa digmaan sa Mindanao ang nahirang na bagong Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Si Phil. Army Commanding General Lt. Gen. Diomedio Villanueva, nagtapos sa Phil. Military Academy (PMA) Class 1968 ang napili at opisyal nang inihayag ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang pinuno ng AFP kapalit ng nakatakdang magretirong si AFP Chief of Staff Gen. Angelo Reyes.

Sa panayam, sinabi ni Villanueva na nagpapasalamat siya kay Pangulong Arroyo at siya ang napili sa posisyon kasabay ng pangakong hindi niya ito bibiguin sa pagtitiwala nito sa kanyang kakayahang pamunuan ang hukbong sandatahan.

Si Villanueva ay nakatakdang pormal na manungkulan bilang ika-30 Chief of Staff ng AFP sa ika-17 ng Marso o sa mismong araw ng pagreretiro ni AFP Chief Gen. Angelo Reyes.

Samantala, malugod namang tinanggap nina AFP Vice Chief Lt. Gen. Jose Calimlim, Air Force Chief Benjamin Defensor, AFP Deputy Chief of Staff Lt. Gen. Jaime delos Santos, Southern Command Chief Lt. Gen. Gregorio Camiling, at Phil. Marines Lt. Gen. Edgardo Espinosa na pawang naging kandidato sa nasabing posisyon ang pagtatalaga kay Villanueva.

Kaugnay ng pagkakahirang kay Villanueva bilang AFP Chief of Staff, sinabi ni Defense Secretary Eduardo Ermita na ang Pangulo ang siyang may karapatang magpasya at humirang ng AFP Chief of Staff. (Ulat nina Joy Cantos at Lilia Tolentino)

AFP

AIR FORCE CHIEF BENJAMIN DEFENSOR

ANGELO REYES

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARMY COMMANDING GENERAL LT

CHIEF

CHIEF GEN

CHIEF OF STAFF

CHIEF OF STAFF GEN

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with